Ang paglalayag sa puso ng isang bata
Isang araw ay naalala ng guro ang dati nyang estudyante na ngayon ay binata na. Ang estudyante nya yaon ay ang pinakamaliit at pangit sa kanyang klase. Pero may magandang ugali naman ang batang iyon at ito ay ang pagiging magalang at matulungin. Hindi rin nakakalimutan ng bata na magpaalam sa kanyang guro bago umalis ng silid-aralan. Sa kabila nito, ang batang iyon ay mahiyain at hindi sya nakikipaglaro sa mga bata. Nalungkot ang uro dahil gusto rin nyang sumaya ang bata. Dahil dito lagi nyang hinihikayat ang bata na ipakita ang kanyang kakayahan.Habang tumatagal ay naging masayahin ang bata. Pero isang araw ng guro ang bata. Nang matapos na ang klase ay ginawa parin ng bata ang nakagawian nya pero hindi nya pinansin ang kanyang guro. Nagsisi naman ng lubos ang guro. Sinisi nya ang sarili nya. Pero mga ilang sandali pa lang ang nakakaraan ay bumalik ang bata at masaya itong nagpaalam sa guro.
0 Mga Komento:
Mag-post ng isang Komento
Mag-subscribe sa I-post ang Mga Komento [Atom]
<< Home